Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1

“Puwede ba ako?”

“Aba, oo. Maganda ka. At tamang-tama ang height mong five seven. Slim ka pa… so pam-beauty contest ka talaga!”

Kinurot ni Emmalyn si Betty. Nagkatawanan sila.

“Hoy, baka may iniinom kang tableta na pampapayat, tigilan mo ‘yon!” serious ang mukha ni Betty. “Iyan ang ikinamatay ni Karen Carpenter. Napakasama ng side effects ng mga reducing pills baka hindi mo alam.”

“Hindi… Hindi ako umiinom ng anumang pildoras na pampapayat. Basta hindi na lang ako kumakain ng almusal o tanghalian kung minsan.”

“Masama din ang nagpapalipas ng gutom. Baka magka-ulcer ka?”

“Umiinom naman ako ng kahit juice lang.”

“Napapansin ko rin na palagi kang malungkot. Kapag ganitong nagpapahinga tayo ay laging sa malayo ka nakatanaw. Para bang napakalalim ng iniisip mo.”

Hindi kumibo si Emmalyn. Napatingin lang sa kaibigan at pilit na ngumiti.

“Ang kailangan mo ay boyfriend!” nakangiti si Betty. “Tama, kailangang magka-nobyo ka para malibang ka.”

“Makapagdaragdag lang ng problema ko ‘yan…”

“May ipakikilala ako sa iyo, kaibigan ko at kapitbahay namin. Matangkad siya. Six footer. Guwapo! Macho pa, matalino at mabait. Kung gusto mo, iba-blind date kita sa kanya.”

“Salamat, Betty, pero… at saka na lang.”

“Anytime na gusto mong ma-meet si Rando, huwag kang mahiya, sabihin mo lang sa akin.”

“Betty, me tawag ka sa phone” gambala ng isa pang waitress sa pag-uusap ng magkaibigan.

“Excuse me Emy!” nagmamadaling lumabas si Betty.

Nang wala na sa silid pahingahan ang kaibigan ay muling pinagmasdan ni Emmalyn ang kanyang mukha sa harap ng salamin.

“Malaki na nga ang inihulog ng katawan ko!” anas ni Emmalyn habang hinahaplos ang kanyang mukha. “Malaki ang ipinayat ko mula nang mawala si Rogel.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

18 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1”

  • 1 chrizzzy says:
    March 3, 2009 at 9:41 am

    wowwww!!! bitin na bitin ako…i really want more from this!!!

  • 2 Cecil says:
    March 4, 2009 at 12:30 pm

    sensya na, busy kasi sa work eh, isa-submit ko today yung next chapter. thanks!

  • 3 swtbaby says:
    March 9, 2009 at 1:41 pm

    I am so grateful to find this site! Thanks for this.. now,through this online tagalog pocketbooks, I won’t miss reading my favorite pocketbooks back in the Phils.

  • 4 ghixel says:
    April 3, 2009 at 2:39 pm

    ..WOW!.ang cute..kso bitin na bitin ako…grabe nag hang tuloy ako dun!. keln ang next chpter??i am really excited!!..please post it agad!!..

  • 5 FRN says:
    July 9, 2009 at 10:03 am

    hello po nice po ang istorya mo meron na po ba kayong bago sana po ay meron na para naman po makabasa ulit kami…

    nga po pala pag may time ka basa ka rin sa site namin ng istorya sa amin.

    http://www.filipinoromancenovelfrn.com

  • 6 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:07 pm

    …ai!!! nkaka bitin naman
    hindi natapus??

    but i really like the story graveh!!!

    • 7 Cecil says:
      July 25, 2009 at 7:30 am

      tapos na po tong kwento na ‘to… click nyo lang po yung next na kabanata na nasa ibaba, tnx.

  • 8 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:15 pm

    ….sana naman yong mga kwento na hindi nakabitin…
    hehehehe

  • 9 Arcangel says:
    September 23, 2009 at 11:33 am

    Ito ang pinakagusto kong novela dito. At ito rin ang first novel na nabasa ko dito. kakakilig ang scene. haha. lol. Lalo na ang love scene! grabe!

  • 10 milesaway says:
    October 27, 2009 at 8:17 am

    my kopya ako nito…nbasa ko lang last week

  • 11 Shaylee says:
    November 16, 2009 at 2:33 pm

    tanong lang po… panoh mawawala sa pending yung story na pinost ko? thanks in advance… btw, start ko pa lang basahin toh… mukhang maganda kasi yung synopsis ng kwento…

    • 12 Tagapangasiwa says:
      November 16, 2009 at 4:14 pm

      Hello Shaylee, please post po yung teaser muna, kasi kelangan ng maikling teaser sa homepage.

      Thanks po sa contribution :-)

  • 13 Neeko says:
    November 16, 2009 at 5:30 pm

    Hi tagapangasiwa.. nag submit na ko ng teaser.. kailan po kaya pwede na to ma publish?

    • 14 Tagapangasiwa says:
      November 17, 2009 at 11:13 am

      Hello Neeko, mukhang kakaiba yung story mo ah. After sa teaser, kelangan meron din chapters na pwede nang mabasa for review. Thanks!

  • 15 Neeko says:
    November 19, 2009 at 1:13 am

    “hehe.. ok po i ssubmit ko na po soon… nasa final editing na po ako… tnks tagapangasiwa.. sana mag publish po agad!!:) salamat uli!!

  • 16 mai mai says:
    April 12, 2010 at 3:34 pm

    amhh ang gaganda poh na mga kwento at kung miron pong tyme paki txt na lang me kung may mga bago

  • 17 jane dagooc says:
    May 1, 2010 at 9:25 am

    nais ko pong malaman kung paano po ako maaring magsubmit ng aking kwento para sa isa ninyong tagalog pocket book.ano po ang dapat kong gawin?salamat po

  • 18 vana says:
    May 3, 2010 at 2:00 pm

    tagapangasiwa..can i share some of my novels?and how?tnx

Mag-iwan ng mensahe...