Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1

“Mamagtiya kaming nakatira sa bahay na iyon kaya maluwag na maluwag para sa ating tatlo” wika ni Betty na ang tinutukoy ay ang lilipatang tirahan ng dalaga. “Magiging masaya ka roon! Hindi tulad diyan sa inuupahan mong kuwarto, nag-iisa ka. Aba, talagang malulungkot ka. Baka maloka ka pa kung palagi kang mag-iisip at mahahabag sa sarili mo.”

Ngumiti lang sa kaibigan si Emmalyn.

“Makakalimutan mo na ang malungkot mong nakaraan. Lalo na kapag nakilala mo si Rando.”

Ngumiti uli si Emmalyn pero hindi siya interesado kay Rando. Ang alam niya ay hindi na siya iibig pang muli. Si Rogel ang una at huli niyang pag-ibig. Nang mamatay si Rogel ay halos mamatay din siya sa dalamhati. At nang ilibing ang kanyang kasintahan ay kasama ring nalibing ang kanyang puso. Basta kahit ano ang mangyari, hinding-hindi na siya titingin sa ibang lalaki. Wala na siyang puso. Wala na siyang pag-ibig. Ganito ang laging nakatiim sa utak ni Emmalyn.

MAGANDA at malaki nga ang bahay ng tiya ni Betty. Isang biyuda at pensiyonada si Aling Azon. Sundalo sa U.S. marine ang kanong dating asawa nito. Namatay nang magkaroon ng digmaan sa Iraq. Walang anak, si Betty na kaisa-isang pamangkin ang itinuring na parang anak niya.

“Namatay ang kapatid ko, ina ni Betty pagkaraan lamang ng dalawang linggo matapos magluwal.” malungkot na pagkukuwento pa ni Aling Azon kay Emmalyn.”Ayon sa mga doktor, nagkaroon daw ng kumplikasyon sa puso dahil sa panganganak. Kaisa-isa kong kapatid ang ina ni Betty. Napakatipid naming magpamilya, ano?”

“Kaya ikaw Betty, kapag nag-asawa ka, damihan n’yo ang panganganak. Mas marami ay mas masaya raw.”

“Tama ka. The more, the merrier!” sang-ayon ng tiya ni Betty.

“Ako ang nag-aruga at nagpalaki diyan kay Betty.” patuloy pa ni Aling Azon. “Nung maliit pa ‘yan, Mama ang tawag sa akin.”

“Masuwerte si Betty at nagkaroon ng isang mabait at mapagmahal na tiya.”

“Ay, talaga!” wika ni Betty na niyakap pa ang kanyang ale.

“Teka, eh bakit ho ngayon ay Tita na lang ang tawag sa inyo ni Betty?”

“Nangyari iyon nang makitira dito ang isa kong malayong kamag-anak. Tita ang tawag sa akin niyon at napagaya itong si Betty. Ang lokang ‘yon… hindi na nga pala nakaalalang dumalaw dito. Umasenso na kasi mula nang makapag-asawa ng maykaya.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

18 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1”

  • 1 chrizzzy says:
    March 3, 2009 at 9:41 am

    wowwww!!! bitin na bitin ako…i really want more from this!!!

  • 2 Cecil says:
    March 4, 2009 at 12:30 pm

    sensya na, busy kasi sa work eh, isa-submit ko today yung next chapter. thanks!

  • 3 swtbaby says:
    March 9, 2009 at 1:41 pm

    I am so grateful to find this site! Thanks for this.. now,through this online tagalog pocketbooks, I won’t miss reading my favorite pocketbooks back in the Phils.

  • 4 ghixel says:
    April 3, 2009 at 2:39 pm

    ..WOW!.ang cute..kso bitin na bitin ako…grabe nag hang tuloy ako dun!. keln ang next chpter??i am really excited!!..please post it agad!!..

  • 5 FRN says:
    July 9, 2009 at 10:03 am

    hello po nice po ang istorya mo meron na po ba kayong bago sana po ay meron na para naman po makabasa ulit kami…

    nga po pala pag may time ka basa ka rin sa site namin ng istorya sa amin.

    http://www.filipinoromancenovelfrn.com

  • 6 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:07 pm

    …ai!!! nkaka bitin naman
    hindi natapus??

    but i really like the story graveh!!!

    • 7 Cecil says:
      July 25, 2009 at 7:30 am

      tapos na po tong kwento na ‘to… click nyo lang po yung next na kabanata na nasa ibaba, tnx.

  • 8 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:15 pm

    ….sana naman yong mga kwento na hindi nakabitin…
    hehehehe

  • 9 Arcangel says:
    September 23, 2009 at 11:33 am

    Ito ang pinakagusto kong novela dito. At ito rin ang first novel na nabasa ko dito. kakakilig ang scene. haha. lol. Lalo na ang love scene! grabe!

  • 10 milesaway says:
    October 27, 2009 at 8:17 am

    my kopya ako nito…nbasa ko lang last week

  • 11 Shaylee says:
    November 16, 2009 at 2:33 pm

    tanong lang po… panoh mawawala sa pending yung story na pinost ko? thanks in advance… btw, start ko pa lang basahin toh… mukhang maganda kasi yung synopsis ng kwento…

    • 12 Tagapangasiwa says:
      November 16, 2009 at 4:14 pm

      Hello Shaylee, please post po yung teaser muna, kasi kelangan ng maikling teaser sa homepage.

      Thanks po sa contribution :-)

  • 13 Neeko says:
    November 16, 2009 at 5:30 pm

    Hi tagapangasiwa.. nag submit na ko ng teaser.. kailan po kaya pwede na to ma publish?

    • 14 Tagapangasiwa says:
      November 17, 2009 at 11:13 am

      Hello Neeko, mukhang kakaiba yung story mo ah. After sa teaser, kelangan meron din chapters na pwede nang mabasa for review. Thanks!

  • 15 Neeko says:
    November 19, 2009 at 1:13 am

    “hehe.. ok po i ssubmit ko na po soon… nasa final editing na po ako… tnks tagapangasiwa.. sana mag publish po agad!!:) salamat uli!!

  • 16 mai mai says:
    April 12, 2010 at 3:34 pm

    amhh ang gaganda poh na mga kwento at kung miron pong tyme paki txt na lang me kung may mga bago

  • 17 jane dagooc says:
    May 1, 2010 at 9:25 am

    nais ko pong malaman kung paano po ako maaring magsubmit ng aking kwento para sa isa ninyong tagalog pocket book.ano po ang dapat kong gawin?salamat po

  • 18 vana says:
    May 3, 2010 at 2:00 pm

    tagapangasiwa..can i share some of my novels?and how?tnx

Mag-iwan ng mensahe...