Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1
“Hindi ba kayo naghihinanakit dahil kinalimutan na kayo matapos ninyong kupkupin at tulungan?”
“Ah, hindi. Wala akong ganyang pag-uugali. Hindi ako naghihintay ng ganti. Kapag gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo, huwag kang maghintay ng kapalit.”
“Mabait talaga ang tiya ni Betty. Masuwerte ako at dito ako napatira sa kanila.” ang mga ito ang naisip ni Emmalyn.
“Magkano nga pala ang ibabayad kong upa sa pagtira ko rito?” pabulong na tanong ni Emmatyn sa matalik na kaibigan.
“At bakit ka naman magbabayad?” tanong ni Aling Azon na narinig ang bulong ni Emmalyn.
“Napalakas yata ang bulong mo!” nagtatawa si Betty.
“Mag-bestfriend kayo. Para na rin kayong magkapatid ni Betty. Sabik din sa kapatid ang pamangkin kong iyan kasi nga’y nag-iisang anak lang.”
Ginagap ni Betty ang kamay ni Emmalyn at pinisil. Napangiti silang tatlo.
“Ituturing na rin kitang parang tunay kong pamangkin, at ako nama’y tratuhin mo namang para mong tunay na tiya.”
“Salamat ho, Tita Azon. Maraming-marami hong salamat.” labis na naliligayahan si Emmalyn.
“Sana’y lubusan ko nang makalimutan si Rogel. Sana’y magamot na ang sugat ng puso ko.” bulong ng isip ni Emmalyn.
NAPUTOL ang pag-uusap ng tatlong babae nang may kumatok sa nakabukas na pinto.
“O, Betty! Sabi mo’y may ipakikilala ka sa akin? Nasaan na?” wika agad ng guwapo at matangkad na lalaking sumungaw sa gilid ng pintuan.
“Ikaw pala, Rando! Halika, tumuloy ka.”
“Magandang araw po, Aling Azon.”
“Magandang umaga rin sa ‘yo, Rando. Pasok ka. Maupo ka.”
Pumapasok at naupo sa isang silya ang binata na ang mga mata ay kay Emmalyn nakapako.
“Emmalyn, siya ‘yong sinasabi ko sa iyong guwapong kapitbahay namin.”
Mag-iwan ng mensahe...

18 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1”
March 3, 2009 at 9:41 am
wowwww!!! bitin na bitin ako…i really want more from this!!!
March 4, 2009 at 12:30 pm
sensya na, busy kasi sa work eh, isa-submit ko today yung next chapter. thanks!
March 9, 2009 at 1:41 pm
I am so grateful to find this site! Thanks for this.. now,through this online tagalog pocketbooks, I won’t miss reading my favorite pocketbooks back in the Phils.
April 3, 2009 at 2:39 pm
..WOW!.ang cute..kso bitin na bitin ako…grabe nag hang tuloy ako dun!. keln ang next chpter??i am really excited!!..please post it agad!!..
July 9, 2009 at 10:03 am
hello po nice po ang istorya mo meron na po ba kayong bago sana po ay meron na para naman po makabasa ulit kami…
nga po pala pag may time ka basa ka rin sa site namin ng istorya sa amin.
http://www.filipinoromancenovelfrn.com
July 23, 2009 at 12:07 pm
…ai!!! nkaka bitin naman
hindi natapus??
but i really like the story graveh!!!
July 25, 2009 at 7:30 am
tapos na po tong kwento na ‘to… click nyo lang po yung next na kabanata na nasa ibaba, tnx.
July 23, 2009 at 12:15 pm
….sana naman yong mga kwento na hindi nakabitin…
hehehehe
September 23, 2009 at 11:33 am
Ito ang pinakagusto kong novela dito. At ito rin ang first novel na nabasa ko dito. kakakilig ang scene. haha. lol. Lalo na ang love scene! grabe!
October 27, 2009 at 8:17 am
my kopya ako nito…nbasa ko lang last week
November 16, 2009 at 2:33 pm
tanong lang po… panoh mawawala sa pending yung story na pinost ko? thanks in advance… btw, start ko pa lang basahin toh… mukhang maganda kasi yung synopsis ng kwento…
November 16, 2009 at 4:14 pm
Hello Shaylee, please post po yung teaser muna, kasi kelangan ng maikling teaser sa homepage.
Thanks po sa contribution
November 16, 2009 at 5:30 pm
Hi tagapangasiwa.. nag submit na ko ng teaser.. kailan po kaya pwede na to ma publish?
November 17, 2009 at 11:13 am
Hello Neeko, mukhang kakaiba yung story mo ah. After sa teaser, kelangan meron din chapters na pwede nang mabasa for review. Thanks!
November 19, 2009 at 1:13 am
“hehe.. ok po i ssubmit ko na po soon… nasa final editing na po ako… tnks tagapangasiwa.. sana mag publish po agad!!:) salamat uli!!
April 12, 2010 at 3:34 pm
amhh ang gaganda poh na mga kwento at kung miron pong tyme paki txt na lang me kung may mga bago
May 1, 2010 at 9:25 am
nais ko pong malaman kung paano po ako maaring magsubmit ng aking kwento para sa isa ninyong tagalog pocket book.ano po ang dapat kong gawin?salamat po
May 3, 2010 at 2:00 pm
tagapangasiwa..can i share some of my novels?and how?tnx