Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1

“Uy! Hindi naman… hindi naman ako guwapo.”

“Husss! Tumigil ka nga riyan! Talaga namang guwapo ka!”

“O, sige na nga! Mapilit ka, eh.” anang palabirong binata.

“Rando, siya si Emmalyn, ang bestfriend ko.”

“Siya pala ‘yong lagi mong ikinukuwento sa akin.”

Pamulagat na napatingin ang nakangiting si Emmalyn kay Betty.

“O, ano? Sinungaling ba ako?”

“Hindi pala siya maganda! NAPAKAGANDA!”

Napayuko si Emmalyn na kiming napangiti. Natawa naman si Aling Azon.

“Diyan na nga muna kayo at me gagawin pa ako sa itaas.” ani Aling Azon. “Betty, papagmiryendahin mo sila.”

“Oho, Tita. Ako na’ng bahala sa kanila”

Humingi ng paumanhin si Aling Azon at pumanhik na nga sa itaas.

Nang wala na ang tiya, tumayo rin mula sa pagkakaupo si Betty.

“Maiwan ko muna kayong dalawa sandali. Ikukuha ko kayo ng chiffon cake at orange juice.”

Walang imik kapwa sina Emmalyn at Rando nang magtungo na sa kusina si Betty. Kapwa nagpapakiramdaman.

Tumikhim muna si Rando bago nagsalita. “Kailan ka pa dumating dito?”

“Kararating pa lang namin.”

“Oo nga. Nakita ko kayo nang bumaba sa jeepney kanina.”

Nagtawa si Emmalyn. Nagtakip ng bibig.

Napabulalas din ng tawa si Rando.

“Kung anuano’ng naitatanong ko. Teka, ba’t ba ako natataranta?”

Lalong natawa si Emmalyn.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

18 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1”

  • 1 chrizzzy says:
    March 3, 2009 at 9:41 am

    wowwww!!! bitin na bitin ako…i really want more from this!!!

  • 2 Cecil says:
    March 4, 2009 at 12:30 pm

    sensya na, busy kasi sa work eh, isa-submit ko today yung next chapter. thanks!

  • 3 swtbaby says:
    March 9, 2009 at 1:41 pm

    I am so grateful to find this site! Thanks for this.. now,through this online tagalog pocketbooks, I won’t miss reading my favorite pocketbooks back in the Phils.

  • 4 ghixel says:
    April 3, 2009 at 2:39 pm

    ..WOW!.ang cute..kso bitin na bitin ako…grabe nag hang tuloy ako dun!. keln ang next chpter??i am really excited!!..please post it agad!!..

  • 5 FRN says:
    July 9, 2009 at 10:03 am

    hello po nice po ang istorya mo meron na po ba kayong bago sana po ay meron na para naman po makabasa ulit kami…

    nga po pala pag may time ka basa ka rin sa site namin ng istorya sa amin.

    http://www.filipinoromancenovelfrn.com

  • 6 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:07 pm

    …ai!!! nkaka bitin naman
    hindi natapus??

    but i really like the story graveh!!!

    • 7 Cecil says:
      July 25, 2009 at 7:30 am

      tapos na po tong kwento na ‘to… click nyo lang po yung next na kabanata na nasa ibaba, tnx.

  • 8 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:15 pm

    ….sana naman yong mga kwento na hindi nakabitin…
    hehehehe

  • 9 Arcangel says:
    September 23, 2009 at 11:33 am

    Ito ang pinakagusto kong novela dito. At ito rin ang first novel na nabasa ko dito. kakakilig ang scene. haha. lol. Lalo na ang love scene! grabe!

  • 10 milesaway says:
    October 27, 2009 at 8:17 am

    my kopya ako nito…nbasa ko lang last week

  • 11 Shaylee says:
    November 16, 2009 at 2:33 pm

    tanong lang po… panoh mawawala sa pending yung story na pinost ko? thanks in advance… btw, start ko pa lang basahin toh… mukhang maganda kasi yung synopsis ng kwento…

    • 12 Tagapangasiwa says:
      November 16, 2009 at 4:14 pm

      Hello Shaylee, please post po yung teaser muna, kasi kelangan ng maikling teaser sa homepage.

      Thanks po sa contribution :-)

  • 13 Neeko says:
    November 16, 2009 at 5:30 pm

    Hi tagapangasiwa.. nag submit na ko ng teaser.. kailan po kaya pwede na to ma publish?

    • 14 Tagapangasiwa says:
      November 17, 2009 at 11:13 am

      Hello Neeko, mukhang kakaiba yung story mo ah. After sa teaser, kelangan meron din chapters na pwede nang mabasa for review. Thanks!

  • 15 Neeko says:
    November 19, 2009 at 1:13 am

    “hehe.. ok po i ssubmit ko na po soon… nasa final editing na po ako… tnks tagapangasiwa.. sana mag publish po agad!!:) salamat uli!!

  • 16 mai mai says:
    April 12, 2010 at 3:34 pm

    amhh ang gaganda poh na mga kwento at kung miron pong tyme paki txt na lang me kung may mga bago

  • 17 jane dagooc says:
    May 1, 2010 at 9:25 am

    nais ko pong malaman kung paano po ako maaring magsubmit ng aking kwento para sa isa ninyong tagalog pocket book.ano po ang dapat kong gawin?salamat po

  • 18 vana says:
    May 3, 2010 at 2:00 pm

    tagapangasiwa..can i share some of my novels?and how?tnx

Mag-iwan ng mensahe...