Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1

“Bakit tawa ka nang tawa?”

“Kasi para kong nakikita at naririnig si Joey Marquez! Parehung-pareho kayo kung umarte at magsalita.”

“Alam mo, ‘yan nga ang tawag ng mga kaklase ko sa akin.”

Naputol ang masayang pag-uusap ng dalawa nang pumasok sa sala si Betty na may dala nang tray ng miryenda.

“Para lalo kayong ganahan sa pagkukuwento, magmiryenda muna kayo.”

“Naku, pampataba ang cake na iyan!”

“Hoy. Miss Universe! kumain ka ‘no. Ang payat-payat mo na. Tataba ‘ka ba agad kapag kinain mo yan?”

“Kumain ka nga naman, Emmalyn. Mabuti nga kung tataba ka nang kaunti. Lalo kang magiging sexy.”

Napasulyap si Emmalyn sa guwapong binata. Para bang sinasabing “Napakabolero mo, Rando!”

“Di ba matagal mo nang pangarap ang magka-girlfriend ng sexy?” si Rando ang tinutukoy ni Betty. “Lumalapit na sa iyo ang magandang pagkakataon. Baka hindi na magtagal, matutupad na ang pangarap mo.”

Kahit hindi sa kanya nakatingin at walang binabanggit na pangalan, alam ni Emmalyn na siya ang tinutukoy ng kanyang bestfriend.

“Ano nga pala ang gagawin n’yo bukas? Sabado bukas, baka gusto ninyong i-treat ko kayo. Manonood tayo ng sine at kakain sa paborito ninyong restoran.” si Rando.

“May pasok kami bukas. Pati Sunday nga eh me pasok din kami.”

“Aba! Ano ba naman ‘yang restoran na pinapasukan n’yo? Labag yata sa labor law ang walang pahinga ang isang empleyado.”

“Rando, me day off kami. Kaya lang sila ang nagsasabi kung anong araw.”

“Every week, paiba-iba kayo ng day off?”

“Oo. At saka hindi kami puwedeng magsabay ng off ni Emmalyn. Kung minsan kasi ay magkaiba kami ng shift.”

Nalungkot ang binata. Iiling-iling na napatingin sa dalawang dalaga.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

18 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1”

  • 1 chrizzzy says:
    March 3, 2009 at 9:41 am

    wowwww!!! bitin na bitin ako…i really want more from this!!!

  • 2 Cecil says:
    March 4, 2009 at 12:30 pm

    sensya na, busy kasi sa work eh, isa-submit ko today yung next chapter. thanks!

  • 3 swtbaby says:
    March 9, 2009 at 1:41 pm

    I am so grateful to find this site! Thanks for this.. now,through this online tagalog pocketbooks, I won’t miss reading my favorite pocketbooks back in the Phils.

  • 4 ghixel says:
    April 3, 2009 at 2:39 pm

    ..WOW!.ang cute..kso bitin na bitin ako…grabe nag hang tuloy ako dun!. keln ang next chpter??i am really excited!!..please post it agad!!..

  • 5 FRN says:
    July 9, 2009 at 10:03 am

    hello po nice po ang istorya mo meron na po ba kayong bago sana po ay meron na para naman po makabasa ulit kami…

    nga po pala pag may time ka basa ka rin sa site namin ng istorya sa amin.

    http://www.filipinoromancenovelfrn.com

  • 6 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:07 pm

    …ai!!! nkaka bitin naman
    hindi natapus??

    but i really like the story graveh!!!

    • 7 Cecil says:
      July 25, 2009 at 7:30 am

      tapos na po tong kwento na ‘to… click nyo lang po yung next na kabanata na nasa ibaba, tnx.

  • 8 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:15 pm

    ….sana naman yong mga kwento na hindi nakabitin…
    hehehehe

  • 9 Arcangel says:
    September 23, 2009 at 11:33 am

    Ito ang pinakagusto kong novela dito. At ito rin ang first novel na nabasa ko dito. kakakilig ang scene. haha. lol. Lalo na ang love scene! grabe!

  • 10 milesaway says:
    October 27, 2009 at 8:17 am

    my kopya ako nito…nbasa ko lang last week

  • 11 Shaylee says:
    November 16, 2009 at 2:33 pm

    tanong lang po… panoh mawawala sa pending yung story na pinost ko? thanks in advance… btw, start ko pa lang basahin toh… mukhang maganda kasi yung synopsis ng kwento…

    • 12 Tagapangasiwa says:
      November 16, 2009 at 4:14 pm

      Hello Shaylee, please post po yung teaser muna, kasi kelangan ng maikling teaser sa homepage.

      Thanks po sa contribution :-)

  • 13 Neeko says:
    November 16, 2009 at 5:30 pm

    Hi tagapangasiwa.. nag submit na ko ng teaser.. kailan po kaya pwede na to ma publish?

    • 14 Tagapangasiwa says:
      November 17, 2009 at 11:13 am

      Hello Neeko, mukhang kakaiba yung story mo ah. After sa teaser, kelangan meron din chapters na pwede nang mabasa for review. Thanks!

  • 15 Neeko says:
    November 19, 2009 at 1:13 am

    “hehe.. ok po i ssubmit ko na po soon… nasa final editing na po ako… tnks tagapangasiwa.. sana mag publish po agad!!:) salamat uli!!

  • 16 mai mai says:
    April 12, 2010 at 3:34 pm

    amhh ang gaganda poh na mga kwento at kung miron pong tyme paki txt na lang me kung may mga bago

  • 17 jane dagooc says:
    May 1, 2010 at 9:25 am

    nais ko pong malaman kung paano po ako maaring magsubmit ng aking kwento para sa isa ninyong tagalog pocket book.ano po ang dapat kong gawin?salamat po

  • 18 vana says:
    May 3, 2010 at 2:00 pm

    tagapangasiwa..can i share some of my novels?and how?tnx

Mag-iwan ng mensahe...