Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 2

Mga matang may malalantik na pilikmata, matangos na ilong, perpektong hugis ng mga labi, at higit sa lahat, hugis-pusong mukha na nakakaaliw masdan. Pero ipinilig ni Dominic ang ulo, para namang hindi siya nakakasalamuha ng mas maganda pang babae.

“S-Sir, huwag ka nang magalit,” untag nito sa tila lumipad na diwa ng binata. “Hindi talaga ako masamang tao. A-anak ako ni Mang Joseph, iyong nagrarasyon ng isda kay Mang Rico. M-mag-aalok lang talaga ako ng pusit sa may-ari ng rest house na ito.” Pinalamlam pa ng dalaga ang mga mata nito.

Sa muling pagkakarinig sa malamyos na tinig nito, tila naman may malamig na kamay na humaplos sa puso ng binata.

“Sige, maniniwala ako sa iyo. Pero sa susunod, ayokong lalapit ka sa kotse ko, ha?”

“N-naku, oho — oho!”

“Sige na, papakyawin ko na iyang pusit mo.” Pormal ang mukha ng binata sa pagkakataong iyon, pero ang totoo, pinigil niya ang mapangiti.

“T-talaga ho? Kung ganoon, kayo pala talaga ang may-ari ng rest house na ito? Wow! Ang swerte ko naman!”

“Tama na iyang bola, sige na, bilangin mo na kung magkano iyang pusit at ikaw na ang gumawa. Babayaran na lang kita para sa extra charge.”

“Ay, sige ho! Inihaw ho ba ang gusto ninyo o kalamares?”

“Mag-iihaw ako ng ilan, pero magkakalamares din. Basta hugasan mo lang at hiwain. Doon ang dirty kitchen sa bandang likuran, punta ka na roon.”

“Kumatok ka na lang sa harap na pinto kapag tapos ka na, ha?”

“Oho!”

Naiiling na lang si Dominic habang pabalik sa bahay. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na madaling lumamig ang ulo niya pagkatapos ng magalit siya.

DIYOS me! Ang guwapo pala ng may-ari ng rest house na itol At kanya pala ang magandang car na iyon! Type ko siya, ha?

Kinikilig-kilig pa si Jackie habang ginagawa ang pusit.

Pero natakot talaga ako kanina. Akala ko’y hindi na maniniwalang wala akong ginagawa sa car niya. Mabuti na lang at naniwala. At pinakyaw niya ang pusit ko. Alam ko na, siguro, type din niya ako! Suwerte!

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

13 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 2”

  • 1 chelmnm says:
    July 18, 2009 at 10:51 pm

    kelan n po itutuloy?promise ang ganda nito!!!!

  • 2 muffinz"zaidz" says:
    July 21, 2009 at 4:24 am

    “hummmm i really like to read lovestory”ganda ng kwento pwede pakituloy na poh???or ako po magtutuloy hehehehe…jokezzzz poh…..

    • 3 karen says:
      September 17, 2009 at 5:10 pm

      sige nga i2loy mo nga……. jejejeje sana mabasa mo to.. i just want to ask lng kasi…

  • 4 shakywitt says:
    July 21, 2009 at 5:13 am

    ang ganda naman nang story …pero bitin lang kasi hindi pa yon tapos ang story…sana matutuloy namin yong ibang kabanata…

  • 5 dionabeth says:
    July 22, 2009 at 10:51 am

    maganda po yong kwento as inn kelan p yong kasunod nya

  • 6 Godes says:
    July 22, 2009 at 3:13 pm

    “Oo nga ang ganda! sana po di umabot ng buwan ang mga susunod na chapter sana di masyadong mtagal un next chapter pllzzzz po… thank u!

  • 7 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 8:59 am

    oh,gosh its’ sooo beautiful……kelan itu2loy ah………hehhehe

  • 8 Jheng says:
    July 27, 2009 at 12:57 pm

    OMG( oh my gosh!!!bitin……..patuloy na po para sa karamihan….Thanks po!

  • 9 bunny says:
    July 28, 2009 at 9:22 am

    hala bitin naman to the highest level tuloy mo n po ang kwento :(

  • 10 Eziram says:
    July 29, 2009 at 12:17 am

    Bitin??!!

  • 11 cheche says:
    July 29, 2009 at 2:53 pm

    kailan po yung karugtong..sorry po kung makulit ako!!ang ganda po kasi!thanks..

  • 12 karen says:
    September 17, 2009 at 5:13 pm

    ganda talaga ng stort nla……. kakakilig talaga jejejeje sana matoloy na sa susunod

  • 13 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 8:03 am

    ..+i Luv dS kAbAnAtA 2.3…

    vEry fUnny…

    ./…….

    (^_^)

Mag-iwan ng mensahe...