Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 10

“B-BAKIT dito mo ako dinala?”

“Bakit? Dati ka namang nagpupunta rito, hindi ba?”

“O-oo, pero –”

“Pasok ka.” Hinila papasok ni Dominic sa braso ang dalaga at ini-lock ang pinto.

“B-bakit mo ini-lock?” (more…)

Loved By The Rules – Kabanata 9

“Dominic El Greco? Wow! Ang taray naman ng pangalan ng bisita mo kanina,” wika ni Rita habang nagkukuwentuhan sila sa balkonahe.

“Sus! Para mukha lang bigtime ang pangalang iyon, natarayan ka na,” irap ni Jackie sa kaibigan.

“Aba, baka hindi mo kilala ang mga El Greco? Palibhasa ay hindi ka palabasa ng mga magazine na sosyal. Doon sa pinapasukan kong parlor ay maraming ganoon kaya nababasa ko iyong pangalang El Greco.” (more…)

Loved By The Rules – Kabanata 8

NGITNGIT na ngitngit si Dominic habang hinuhuli nang titig ang mga mata ni Jackie, at sa minsang pagsulyap nito sa kanya ay ipinakita niya ang inis.

Anong ginagawa mo sa tabi ng napapanot ng congressman na iyan, ha? Akala ko ba’y ako ang aakitin mo para ma-in love ako sa iyo! sigaw ng kanyang utak.

Pero tinimpi niya ang sarili na sugurin ang mga ito. Alam ng binata na wala siyang karapatan.

Gayunpaman, sa magdamag na iyon ay nanatili lang siyang nakamasid sa mga ito.
(more…)

Loved By The Rules – Kabanata 7

Pero ayaw makinig ni Dominic, kinabukasan ay natagpuan niya ang sarili na muling nagbalik sa Baryo Masilip. Palinga-linga habang sakay ng kanyang kotse, sinasala nang tingin ang mga nakakasalubong.

Umaasang makikita na ang babaeng hinahanap.

Pero hanggang gumabi na ay bigo pa rin siya.

Sa isang fastfood na malapit sa plaza na lang kumain ang binata nang makaramdam ng gutom. Nakakahiya naman kasing makipiyesta sa mga tagaroon kahit pa open sa lahat ang bahay ng mga may handa. (more…)

Loved By The Rules – Kabanata 6

“SIGE na, minsan lang naman magkakaroon ng piyesta dito sa atin, sumali ka na. Sagot naman ni Mayor ang damit ng kandidata, ano? Kahit singko ay wala kang gagastahin, pati na make-up. Saka sayang din ang premyo na sampung libong piso. Hindi mo mapupulot sa dagat iyon kahit magdamag at maghapon kang mamalakaya, ano?” pangungulit ni Rita kay Jackie.

“Alam ko! Pero ano ka ba naman? Paano akong mananalong mutya ng dagat, kung ang makakalaban ko ay mga anak ng kapitan sa mga katabing barangay na may perang magagasta? Isa pa, ang itim-itim ko na, o! Kahit siguro ako make-up-an, hindi ako puputi!” (more…)

Loved By The Rules – Kabanata 5

Iyak nang iyak si Jackie ng gabing iyon. Pakiwari niya ay ang liit-liit ng tingin niya sa sarili dahil sa kagagahang nagawa.

Akalain mong ipag-alukan niya ang sarili sa guwapo at mayamang lalaki iyon?

Kasi naman, ang hirap-hirap ng buhay namin dito, eh. Kasi naman, ang tamad-tamad ng tatay ko! Ako pa ang inaasahang gumawa ng mga bagay na dapat ay lalaki ang gagawa. Kung hindi siguro siya ganoon, hindi ako magkakaganito. (more…)

Loved By The Rules – Kabanata 4

KUMUNOT ang noo ni Dominic nang matanaw niya ang pamilyar na bulto ng isang babaeng nakatayo sa dalampasigan, nakatanaw sa kanya at sa malas ay siya talaga ang hinihintay.

Ano na naman ang ginagawa ng babaeng ito rito?

Hinagilap niya sa sarili kung naiinis siyang makita ito, pero salat sa ganoong damdamin ang binata.

Ang totoo, lihim siyang natuwa na naroon ito. (more…)

Loved By The Rules – Kabanata 3

NAG-INAT pa si Dominic nang magising, pagkuwa’y agad siyang nag-shower at lumabas sa kanyang silid.

Magje-jetski siya sa araw na ito kaya inihanda na niya ang gagamitin.

Nagkape lang siya at lumabas sa resthouse. Pero agad ding natigilan nang masulyapan ang swing na bakal.

May tao! Sino kaya iyon?

Marahan ang ginawang paghakbang ng binata hanggang makalapit sa swing, bahagya pa siyang napapitlag nang makilala ito. (more…)

Loved By The Rules – Kabanata 2

“OY, IKAW NGA muna ang pumalaot, Jackie. Tinatamad ako, eh. Masakit din ang ulo ko. Para akong lalagnatin,” wika ni Mang Joseph.

“Eh, paano naman kasi, want-to-sawa ang ginawa ninyong pag-inom kahapon. Kung makalaklak kayo ng tuba, para bang wala ng bukas!” nakasimangot na wika ni Jackie.

“Oy, magtigil ka nga riyan! Birthday kahapon ni Pareng Islaw, minsan lang mapainom iyong tao, hindi ko pa ba sasamantalahin?” angil ng matanda. (more…)

Loved By The Rules – Kabanata 1

“THIS MEETING is adjourned!” maawtoridad na wika ni Dominic sa mga empleyadong dumalo sa monthly meeting ng El Greco Advertising. “And next month, just make sure na mas magandang report ang maibibigay ninyo sa akin, ha?”

“Y-yes, Sir!” halos sabay-sabay na tugon ng mga ito, halatang nasisilong sa mabalasik niyang tinig dahil halatang mainit ang kanyang ulo. (more…)