Pen-pen de Serafin – Kabanata 1
Nakatingin ito mula sa malayo at mukang pinaplano na nya talaga ang buhay sa murang edad.
“Sus wag mo munang isipin yan malayo pa yun” sabay hampas ng unan ni Serafin sa kaibigan.
Kinabukasan. Huling araw na ng mag kaibigan sa elementarya maya maya lang sasampa na sila ng stage at tutuldukan na ang mundo bilang isang elementary student.
“Hindi ba uuwi papa mo Pen-pen?” tanong ni Aling Lourdes na ina ni Serafin habang inaabot sa katulong ang polo na isusuot ng anak.
“Naku baka five years from now pa yun tita, alam ko po kasi hindi sya pwedeng umuwi hanggang hindi pa nya tapos ang kontrata.”
“Ahh Mama mo nasan? Sabay sabay na tayong pumunta ng eskwelahan” masuyo nitong tugon sa kaibigan ng anak.
“Nasa Shop pa po, sige po sasabihin ko po na sabay sabay na tayo, nasan po si Serafin?”
“Naku nasa taas pa tulog na tulog ikaw na nga ang gumising at tatanghaliin ka’yo, pasuyo na lang”
“Sige po tita akyatin ko na po” Pag sang ayon nito habang umaakyat na sa kwarto ng kaibigan.
Sanay naman sila na gisingin ang isa’t isa lalo na si Pen-pen dahil sadyang makupad gumising si Serafin. Pero may kakaibang naramdaman ang binatilyo ng umagang yun.
“Bakit ganon?” Tanong nito sa sarili habang humahagod ng tingin sa kaibigan.
“Initiman pa din naman ang buhok nito, unat padin, kayumaggi padin naman ang kulay ng balat. Pero bakit ganon Tumatayo balahibo ko, nanlalambot ang tuhod ko”
Tanong nito sa sarili habang nakakunot ang noo.
“Uy Gising” sabay tapik nito kay Serafin.
“Ummhg..” Umungol lang ito tanda ng pag tugon.
“Tanghali na kaya uh? Malalate na tayo sa graduation natin”
“Susunod na ko” Sabay dantay nito sa sa kanyang unan. Sa pag kakataong yun humarap na ito sa kaibigan. Kakaiba ang kanyang nararamdaman ng mga oras na yun may halong pangingilabot, kaba, panghihina. Pilit nyang tinatanong ang sarili kung bakit nga ganun ang kanyang nararamdaman. Pero di padin nya Makita ang tamang kasagutan.
“Oh basta sumunod ka na lang” sabay talikod nito. Ano nga ba ang kanyang nararamdaman sa kaibigan? pilit padin nya itong iniisip habang bumababa ng hagdanan.
Nakakunot ang noo ni Pen-pen habang sumsampa ng sasakyan papuntang eskwelahan gaya ng napagusapan sabay sabay nga silang tumungo dito.
“Tignan mo naman Mareng Lourdes binata na mga anak natin” Masayang sabi ni Aling Paz ang ina ni Pen-Pen nakasanayan na nilang mag tawagan ng Mare at Pare kahit wala naman silang inaanak sa isa’t isa. Parehong only child lang nila sina Pen-Pen at Serafin kaya naman mataas ang pangarap nilang pareho sa kani-kanilang mga anak.
Tinignan lang ni Aling Lourdes ang dalawa gamit ang salamin na nasa bandang taas ng minamanehong kotse. Ngumiti lang ito at saka nag salita.
“Kelan nga ba ang uwi ni Pareng Lito? Nagbibinata si Pen-pen na halos di nya nakikita ah. Di naman sa pakikialam Mare ha? Di maganda sa bata lalo na sa lalaki ang walang nakikitang father image”
“Hindi ko nga alam eh. Pinipilit ko na nga yon na pagtulangan na lamang naming palaguin yung hardware shop at wag ng bumalik pa ng Australia. Ang katwiran nya eh mahirap daw ang buhay dito sa Pilipinas, Isang limang taon na lang daw pag bigyan ko na lang daw sya”
Sagot ni Aling Paz “Eh kung sabagay pag umuuwi kami sa Laguna niyang si Pen-pen halos tatay na rin ang turing nya sa mga tito nya doon” Dugtong pa nito.
Mag-iwan ng mensahe...

7 responses to “Pen-pen de Serafin – Kabanata 1”
February 16, 2010 at 9:35 pm
mahilig po akong gumawa ng love stories mula nung akoy first year high school hanggang ngayon.. gusto ko po sana itanong kung open po ba kayong tumanggap ng stories na manggagaling sakin. Sa katunayan po, naka labing apat na love stories na po ang nagawa ko and willing po ako ishare yun sa inyo without payment. i hope you will respond to this proposal. thank you
April 18, 2010 at 7:17 pm
Sige sarah mag lagay ka dito para naman marami ako o kaming mabasa. Mahilig ako mag basa. Abangan ko mga story mo. oke
May 25, 2010 at 1:34 pm
pwede mo ba isulat yung love story namin ng boyfriend ko?
March 14, 2010 at 11:00 am
mg published ka nmn ng story oh about sa magkaribal…antay q sagot mo ah god bless poh..just add me na lng po f u want kenny_gera2001yc fb po yan tnx
April 28, 2010 at 2:43 pm
na add na po kita sa FB pls accept my request thanx!!
April 28, 2010 at 2:42 pm
Nais ko po sanang isulat ung talambuhay ko!!! kaso wala po ako knowledge para gawin nais ko po sana magpaturo sa inyo para mabasa ng iba ang masaya at malung na nagdaan sa buhay ko!!!!…d po kayo magsisisi at makakakuha sila ng magandang aral, at kung pano ang tunay na pagmamahal thank you hintayin ko po response nyo sa message ko na to…God Bless po!
June 12, 2010 at 3:50 pm
hi joseph…..
i’m also a writer,, tip ko lang sa iyo if gusto mong isulat yung love story mo, just simply write it na parang may kakuwentuhan ka ng personal. ganun kasimple… just try it… sigurado ako pag babasahin mo yan ng tapos na, matutuwa ka at kikiligin ng husto. the most important thing, pag sinulat mo yan dapat yung emotions mo ay ilagay mo sa ginagawa mo, i mean pag nagsusulat ka, namnamin mo ang inyong pagmamahalan ng iyong iniirog…nakz…for sure mararamdaman rin yun ng iyong magiging mambabasa…hehe..till then, gudlak.