Pilak Na Bughaw – Kabanata 1
Sa lahat ng mga batang babae na kasali sa sayaw ay si Nevada ang pinakalutang. Iba kasi ang ganda nito kahit anak-mahirap. At walang inferiority complex ang bata.
Si Francis naman ang pinakaguwapito at maliit pa lamang ay kakikitaan na ng appeal bilang leader. Crowd favorite din ito. Bagay na bagay daw sila ni Nevada, sabi ng karamihan sa audience.
Nagkataon pa na ang ama ni Nevada ay siyang barangay captain ng Awitan, si Bernardo Carreon. At ang papa naman ni Francis ay siya namang barangay captain ng Salvacion, si Raul Legaspi, ang may-ari ng Air Manila Airline.
Parehong bibo ang dalawang bata at malalambot ang katawan, bigay na bigay sa pagsasayaw. Ilang beses na pumalakpak nang malakas ang inga manonood.
Pagkatapos naman ng kanilang dance number ay ginawa nina Nevada at Francis ang natural na ginagawa ng mga bata. Ang maglaro.
Takbuhan, tuksuhan, tulakan.
Naitulak nang hindi sinasadya ni Francis si Nevada, sumubsob tuloy ang batang babae sa sementadong sahig ng auditorium. Dumugo ang noo ni Nevada, malalim ang sugat. Kaagad itong dinala sa clinic.
Pero bago nailayo si Nevada kay Francis ay galit na galit siyang tumingin nang matalim sa batang lalaking nanulak sa kanya. Umiiyak si Nevada sa sakit ng sugat pero mas malalim ang galit niya sa naging dahilan nito.
Si Francis naman ay naawa kay Nevada. Pero siya ang tipo ng bata na hindi mayayanig kung alam niyang wala siyang kasalanan. Hindi naman niya iyon sinadya. Aksidente lang. Kaya nakatingin pa siya nang tuwid kay Nevada at walang takot o pagkabahala sa kanyang mukha.
“Galit ako sa iyo!” Sumigaw si Nevada habang nakalingon sa batang si Francis.
“Wala akong kasalanan!” Sigaw din ang sagot ni Francis.
TAONG 2000. Iba na ang panahon. Nasa ikadalawampu’t isang siglo na ang mundo.
Pero ganoon pa rin ang dalawang barangay na magkatabi, ang Awitan at Salvacion.
May Barangayan pa rin, may sharing activities. Magkarugtong pa rin sa maraming bagay ang dalawang barangay na malaki ang gap kung level ng pamumuhay ang pag-uusapan.
Mahirap pa rin ang Barangay Awitan, pero kahit papaano naman, ang kanilang lugar ay malaki na rin ang naiunlad. Maganda na ang drainage dito, hindi na binabaha ang pook. Malapad na ang kalsada. At may sarili na itong eskuwelahan at ospital.
Mag-iwan ng mensahe...

19 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 1”
February 11, 2009 at 12:56 pm
So far so good….
March 5, 2010 at 11:32 am
..hi..
March 5, 2010 at 11:35 am
..hi..
April 1, 2009 at 9:44 am
exciting ;]] haha!
April 15, 2009 at 12:43 am
nice one poh.. ganda poh ng story ah.. hehe..
April 15, 2009 at 5:40 pm
hihihi… ang ganda ng story
April 24, 2009 at 2:29 pm
….ang galing po ng writer..keep up the good work po..more power..
June 7, 2009 at 5:27 pm
kailan ang kasunod n kabanata nito?
August 13, 2009 at 9:02 am
WALa n p0h vah?
PLz adD n p0h kau ng new st0ry nbAxa q0h n kc lhat eh..
Ang gAnda p0h nkKakiLig hehe..
Xana p0h mAgadD n p0h uLit kau ng new..
September 21, 2009 at 3:43 pm
Nice. I like it…
October 15, 2009 at 6:41 pm
ang ganda po…….kahit hindi ko nabasa pra paring maganda… (^^^)
October 28, 2009 at 11:33 pm
saan po pwede mabasa ang ibang kwento ng the zodiac club?ung kay cromwell.meldon at elliott?tnx po..di ko kc mahanap eh
November 26, 2009 at 7:46 pm
pano bah gumawa d2???
hnd ako mrunong…
add sana me ng new story…
hnd lang ako mrunong
December 2, 2009 at 9:53 pm
nice….
hope 2 right more…
kilig ni2
January 5, 2010 at 1:51 pm
♥♥♥peace♥♥♥
January 6, 2010 at 9:02 pm
pwede na
gandang kwento….
kahit ko pa nababasa…..
nakikita ko palang maganda na….
lalo na kung kung babasahin……
naamoy palang ang sarap na…
January 14, 2010 at 1:39 pm
hehe
March 22, 2010 at 5:44 pm
ang ganada ganda talaga ng pilak na bughaw
nakakakilig ang kilig
kasi paeho kasi kami ni nevada promise
March 28, 2010 at 6:12 pm
Guys, is this a nice story?
Don’t have time to read it… so I think if most of you says it’s good, am going to read it .. hehehe
…