Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 20

SI MANAY Caridad ang nakausap ni Santi Sixto sa telepono. Puno ng hinanakit ang yaya.

“Ano ang kailangan mo? Kung awa lamang ang gusto mong ihatid, hindi na kailangan, marami nang naaawa sa alaga ko. Alam ng lahat na nagpapakahirap siya sa pagtulong sa kapwa pero hindi niya matulungan ang sarili niyang problema.”

“Yaya, I need to see her.” May pakiusap sa baritonong boses ni Sixto.

“Sasabihin ko na lang sa iyo ang itsura niya, Santi Sixto. Naka-dextrose siya, nanlalalim ang mga mata, halos buto’t balat na lang, kasimputi ng papel ang kulay ng katawan.

“Ang alaga ko ay parang… ayaw nang mabuhay. Siguro ay pagod na pagod na sa katutulong sa mga mahihirap pero lalo pang dumadami ang naghihirap sa ngayon, sa halip na nababawasan.

“Sabihin mo nga sa akin, Santi Sixto… paano pa ba makakatulong ang isang taong said na ang lakas? You are killing my baby!” At humagulhol na ng iyak ang yaya.

“I need to see her, Yaya!” sigaw ni Sixto, sigaw na may kasamang pagsinghot.

He is crying.

His heart is bleeding.

Ayaw niyang maging huli na ang lahat. Ang reyalisasyon na mahal pala niya talaga ang babaing ito na ayaw na ayaw niya ang mataas na pagkatao… ay tila isang masarap na trahedyang dagok sa kanya.

Aywan kung bakit ibinigay din naman ni Manay Caridad ang kinaroroonan ng pinakamamahal na alaga. “Nasa Mt. Carmel Hospital siya, Santi Sixto.”

ANG mga tao sa lobby ng hospital, karamihan ay dahil kay Marissa. Ang mga batang yagit na laging pinapakain ng kanyang foundation ay hindi maitaboy ng mga taga-ospital.

Ganoon din naman ang mga taga-media.

Si Santi Sixto ay naka-dark glasses at naka-cap nang dumaan sa lobby, hoping na hindi siya mapansin at makilala.

Nakalusot naman siya. Ang mga personal bodyguards ni Marissa sa ngayon ay very present.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5

15 responses to “Santi Sixto – Kabanata 20”

  • 1 eizzy says:
    December 12, 2009 at 10:26 pm

    wow….ang ganda naman..hehhehe sana po may next pa…tnx po,,

    • 2 Faye Andrew says:
      January 26, 2010 at 11:20 am

      Ang ganda ng story…

  • 3 lumen says:
    December 13, 2009 at 6:09 pm

    nice story….sana my kasunod pa…tnx po?

  • 4 Shie says:
    December 14, 2009 at 4:27 am

    Thanx po ang ganda ng story.. Sna nxt tym mrn po ulit.. Thank u po…

  • 5 dionabeth says:
    December 14, 2009 at 8:38 am

    hehehe bitin

  • 6 sarrah says:
    December 16, 2009 at 1:33 am

    wowww ang ganda ng storya nkkakilig. Sna maykarogtong

  • 7 stephanie says:
    December 22, 2009 at 9:09 pm

    how nyc nmn i luv it !! pero medyo bitin pero okie pa rin sana my next pah 2 ung manyayari sakanila nung ikakasal n cla hanggang sa maging magasawa cla hanggang sa mag kaanak sana my karugtong pahh ..

  • 8 MATET says:
    January 5, 2010 at 8:07 am

    ANG GANDA TALAGA.NAKAKAKILIG…..I LOVE IT…..!

  • 9 celene says:
    January 8, 2010 at 9:36 pm

    i love this,
    its so touching and so beautiful story
    i hope next tym, ung about naman sa magiging future family nila santi sixto and marissa…
    thats all
    thank you
    Godbless and more power!

  • 10 marybert mancio says:
    January 15, 2010 at 2:57 pm

    super ganda ang kwento pero bitin
    nakakaawa nman si marissa,ngunit happy nman sya
    sa bandang huli
    my god nakaka inspire
    thnk u
    gawa kpa ulit ,god bless you
    and more power

  • 11 annaLou says:
    January 15, 2010 at 3:25 pm

    overs naman tong story na to…napa imposebling manyari…hahay…la bang true to life story dyan..yong makaka relate kaming hindi mayayaman..peace..wahahha

  • 12 rhea says:
    January 30, 2010 at 5:53 pm

    sulat nman po ikaw ng story bout sa isang probnsyana na nkpag-asawa ng prinsipe..ahihi

  • 13 jay-r says:
    February 1, 2010 at 12:35 pm

    naku po!!! saav ba natin mababasa ang ohy

  • 14 ladycasper says:
    February 9, 2010 at 4:12 am

    Nice story..sna mdmi p ksunod..godbles n more power..

  • 15 daina14 says:
    February 22, 2010 at 2:48 pm

    wwwwwwwoooooooooooowwwwwwwwww

    nice story
    po
    talaga

    i love it

    ………

    keep up the good work

Mag-iwan ng mensahe...