Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1
Ikinagulat ni Mang Domeng ang sinabing iyon ni Randy. Napatingin ito ng matiim sa binata. Parang hinahanap sa mukha ng kaharap ang katotohanan ng sinabi.
“Mag-aasawa ka na ba?”
Ngiti ang naging sagot ni Randy na sinundan ng tango.
“Ibig mong sabihin, kaya mo ipinagawa ang bahay kubong ito ay upang tirhan lang ng isang buwan?”
“Oho, dito ho kami maghahanimun ni Aleli pagkatapos ng aming kasal.”
Nakatawa si Randy nang sabihin iyon.
Napatanga si Mang Domeng. Blangkong napatingin sa binata. Hindi ito makapaniwala sa narinig.
“Ang bahay kubong ito ang gagawin n’yong hanimun ng mapapangasawa mo?”
“Oho… ano ho bang kataka-taka du’n?”
“Aba’y malaki.”
“Paanong malaki ho ang ibig ninyong sabihin?”
“Aba’y milyonaryo ka, dapat kundi sa isang five star hotel ay sa ibang bansa kayo maghanimun ng mapapangasawa mo.”
Oo nga naman.
Nangiti si Randy.
“E, alam n’yo Mang Domeng, sa buhay kong ito ay sawang-sawa na ako na magyao’t dito sa ibang bansa. At kung hotel din naman ang pag-uusapan ay gayundin, sawa na rin ako na mapasok ang mga malalaking hotel dito sa Maynila maging sa abroad.”
Totoo ang sinabing iyon ni Randy. Sa katunayan nga isa sa negosyo nila ay hotel. May dalawa siyang five star hotel bukod pa sa limang condominium. Ang nobya naman niyang si Aleli ay tulad niya rin na mayaman at kinikilala ang angkan sa lipunan.
“Ibig mo bang sabihin, kaya dito mo naisipang maghanimun ay para maiba ang atmosphere?”
Nakalutang sa boses ni Mang Domeng ang paniniyak nang itanong ‘yun.
Mag-iwan ng mensahe...

3 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1”
August 30, 2009 at 11:31 am
julia pwede ko bang gawing book report sa subject kung filipino itong kwento mo. pwede pakilagay information about toy as an author.. pls tnx…
October 28, 2009 at 1:32 pm
-nAkakAtAkot!!! pEro excitiNg!!! aNg gAndA!!! mOrE stOriEs pA poh…
May 10, 2010 at 5:18 pm
Grabe naman. Ang galing mag isip.