Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1

“Hindi naman dahil me sarili kami.”

“E, sino’ng patitirahin n’yo rito kung sakali?”

“‘Yung manugang ko na nangungupahan lang. Tamang-tama sa kanila ito. Isa palang naman ang anak nila.”

“Aba’y nakabuti pala ang pagpapagawa ko nito at magkakaroon tuloy ng sariling bahay ang manugang mo Mang Domeng.”

“Talaga. Malaking bagay ito para sa kanila ”

“Oo nga, kesa nangungupahan sila.”

“Bale ba wala naman pirmihang trabaho ang manugang ko, ekstra-ekstra lang ‘yun sa pag-e-elektrisya.”

“A, bale pala ‘yung lalake pala ang manugang n’yo?”

“Oo… naaawa ako sa anak ko kung hindi ko tutulungan. Siya ang mahihirapan.”

May paghangang nadama si Randy kay Mang Domeng. Butihing ama talaga ang papel nito. Kahit may asawa na ang anak ay hindi pa rin pinababayaan. Kaugaliang Pilipino talaga. Kahit pamilyadong tao na ang anak, ang suporta ay hindi pa rin nawawala.

“Ilan ho ba’ng anak n’yo Mang Domeng?”

“Tatlo. Dalawang babae at isang lalaki.”

“Me pamilya na ho ba lahat.”

“Oo… pero hindi ko matiis na hindi tulungan. Lalo na ‘yung dalawang babae na pareho walang pirmihang trabaho ang mga asawa. Nakakaawa talaga.”

May kasunod pang iling ang sinabing iyon ni Mang Domeng.

“S’werte naman ng mga manugang n’yo. Nagkaroon sila ng mabait na biyenan.” Humahangang sagot ni Randy.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

3 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1”

  • 1 marichu says:
    August 30, 2009 at 11:31 am

    julia pwede ko bang gawing book report sa subject kung filipino itong kwento mo. pwede pakilagay information about toy as an author.. pls tnx…

  • 2 Lourene says:
    October 28, 2009 at 1:32 pm

    -nAkakAtAkot!!! pEro excitiNg!!! aNg gAndA!!! mOrE stOriEs pA poh…

  • 3 rossellen says:
    May 10, 2010 at 5:18 pm

    Grabe naman. Ang galing mag isip.

Mag-iwan ng mensahe...