Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 5

Malakas ang kabog ng dibdib nang sumilip ito. Hindi nga ito makapaniwala sa nakikita. Totoo na nabibitak ang ilan sa mga nitso.

Parang pader ‘yun na nilindol atnalalapag ang bawat bahagi ng bato na nagbubuhat sa nabibitak.

“Ano naniwala ka na?” Tanong ni Randy.

“Oo nga. Pa’nong nangyari ‘yun?”

“Ewan…?”

“Paano kung ganap na mabitak ang nitso, ano’ng mangyayari?”

Siguradong malalantad ang bangkay na nasa loob. Gusto sanang sabihin ni Randy ‘yun pero pinigil niya ng sarili. Nag-aalala siya na matakot ng husto ang asawa.

“Randy, natatakot ako,” umiiyak na si Aleli nang sabihin ‘yun matapos umalis sa pagkakasilip sa butas ng dingding.

Nakapagpahina sa loob ni Randy ang nakita niyang reaksiyon ng asawa. Gayunpaman, hindi siya nagpahalata. Kung malalaman nu’n na natatakot na rin siya ay masisiraan ito ng loob. Baka mag-hysterical sa takot.

“Kung lumabas kaya tayo ng bahay na ito at hanapin ang labasan ng sementeryo para makaalis na tayo rito?” Mungkahi niya.

Nagpakatanggi-tanggi si Aleli.

“Ayoko…ayoko! Nasa gitna tayo nitong sementeryo, hindi natin alam kung saan hahanapin ang palabas ng sementeryo. Baka kung ano ang mangyari saatin.”

“E, me baril naman ako.”

“Ano’ng magagawa ng baril, hindi naman tayo sigurado kung tao nga ang masasagupa natin kung sakali.”

May logic ang sinabi ng asawa. Hindi tinutulan ni Randy ‘yun.

“E, di pa’no, magpapaumaga na lang talaga tayo rito?”

“Oo, ‘yun ang pinakamagaling na gaga win natin.”

Tiningnan ni Randy ang oras sa relo niyang pambisig. Alas dose medya ng gabi. Mahaba-haba pa ring oras ang hmihintay nila bago ganap na maging umaga.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

4 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 5”

  • 1 allan m-pogiboyngcebu says:
    February 11, 2010 at 3:34 pm

    grabehhhhh! todo na to

  • 2 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:42 pm

    damn!

  • 3 jonusher_02 says:
    April 8, 2010 at 7:50 am

    + weh.. katakot

  • 4 jerrica says:
    September 3, 2010 at 12:36 pm

    what the heck!!! nakakatakot nmn!

Mag-iwan ng mensahe...