Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 6
Sa magkasabay na pagbagsak na iyon napangudngod ang mukha ni Aleli sa katawan ng bangkay. Hindi lang nito amoy na amoy ang bangkay, kundi sumayad pa sa labi nito ang ilang laman na humihiwalay sa katawan ng bangkay.
Tuluyang nagsusuka si Aleli.
Bagay na sinamantala naman ng iba pang bangkay. Nagawang mahawakan sa magkabilang braso si Aleli.
Halo ang tili at pagsusuka nito.
“Randy, help!”
Gusto man ngayong tulungan ni Randy ang asawa ay hindi niya magawa. Nakayapos sa magkabila niyang hita ang dalawang bangkay. Ang isa naman ay sa beywang niya nakayakap. Talagang pinipigilan siya para hindi makalapit sa asawa.
Pilit na nagpupumiglas si Randy na naging sanhi para matumba sila ng mga bangkay sa sahig.
Dahil sa pagkakatumbang iyon ay nagawa ni Randy na maitadyak ang isang paa niya na tumama sa isang bangkay. ‘Yung nakayapos naman sa kanyang beywang ay sinuntok niya.
“Hayup ka!”
Sa lakas ng suntok nagtalsikan ang mga laman ng bangkay na humiwalay sa pisngi nito. May ilang bahagi pa ang tumama sa mukha ni Randy.
Bagaman diring-diri siya sa nangyaring iyon, ay hindi niya pinansin. Ang makakawala sa pagkakahawak ng mga bangkay sa kanya ang pinag-ukulan niya ng atensiyon.
‘Yun isa sa dalawang bangkay na nakayapos sa kanyang hita ang pinagsusuntok niya. Kabilaan. Pero ayaw bumitiw sa pagkakakapit sa hita niya.
“Bitiwan n’yo ako mga hayup kayo!”
Sige ang suntok niya.
Isang bagay ang ipinagtataka ni Randy. Kahit anong lakas ng suntok ang ibigay niya sa mga bangkay ay hindi niya naririnig na dumaing ang mga ito. Wala siyang sound na naririnig buhat rito. Maging mula kanina, kahit isa sa mga bangkay ay hindi niya naringgang me ungol man lang. Tahimik lang ang mga ito na parang pipi.
Sa kabila ng walang humpay na pagsuntok ni Randy sa dalawang bangkay na nakakapit sa magkabila niyang hita ay binti pa rin bumibitiw ang mga ito.
Mag-iwan ng mensahe...

5 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 6”
January 30, 2010 at 6:23 pm
grabe..
nakaka inis naman toh
akala ko ba romantic pocketbooks toh
bat nakakatakot toh?
grabe ah
nakakatakot tlga xa
June 6, 2010 at 9:26 pm
grabe. Walang kwenta. nakakatawa lang. Parang yung mga comedy sa tv. Next tinme gumawa ka ng misteryoso, kagaya ni pearl angeli. Chaka.
March 12, 2010 at 8:46 pm
…..grabeh naman kakatakot….
….and i like the story…..
March 29, 2010 at 2:50 pm
puro thrill..wla na yung romance..im getting bored..diverted ang focus..
September 1, 2010 at 9:56 pm
im pocketbook lover,,and i didnt find that this story was interesting,,u need to learn basic things how to write novel or story,its not realistic,,the reader didnt know how to react,u have talent to write but still u still need more knowledge.in writing novel its not like kung anu ung nasa isp mo sulat mo agad its not like that u must think also if it was fit on the story..keep on writing but bfore u post it on this site think of it if its was really enuf to the readers.look wat happen my mga bad comments tuloy,,goodluck