Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 6

“Bitiwan n’yo ako! Bitiwan n’yo ako!”

Hinataw din ni Randy ng silyang rattan ang isa na nakahawak sa kaliwang kamay ng asawa. Sa dibdib din tinamaan. Nabitiwan din ang pagkakahawak sa kamay ni Aleli.

Pero ang silyang rattan ay nawasak na.

Kumuha uli ng isa pang silyang rattan si Randy. Pero nagawa ng natitirang bangkay na nakahawak sa kanang kamay ni Aleli na mayapos ito na patalikod.

Hindi ngayon magawang hatawin ni Randy ang bangkay dahil nakapaharap sa kanya ang asawa. Ito ang tatamaan kapag ginawa niya ‘yun.

’Yun mga bangkay ngayon na nahataw ni Randy at ‘yun pang nakalaban niya sa batalan ay sumugod sa kanya nang sabay-sabay.

Sinalubong niya ito ng hataw ng silyang rattan. Talsikan. Pero ‘yung nakayakap kay Aleli ay nagawa nang mailabas ng salas ang kanyang asawa sa tulong pa rin ng iba pang bangkay.

Nasa balkonahe na at hinihila na pababa ng hagdan si Aleli na nagsisisigaw.

Humabol si Randy para saklolohan ang asawa. Ngunit nilundag siya ng isa sa mga bangkay at nagawang mayapos siya sa beywang.

Dahil sa lakas ng lundag, napangudngod si Randy na una mukha sa sahig ng balkonahe kasama ang bangkay na nakayapos sa kanyang beywang.

Sa pagkakabagsak nilang ‘yun sa sahig, dumaluhong pa ang ilang bangkay. Pinagtulung-tulungan si Randy.

Pero pilit na nanlalaban ito. Nagbibigay lakas sa kanya ang naririnig niyang tili ng asawa na naibaba na ng bahay. Gusto niyang tulungan ito.

“Bitiwan n’yo ako mga hayup kayo!”

Suntok dito, suntok doon ang ginawa niya makakawala lang sa pagkakadagan sa kanya ng mga bangkay. Apat ang bangkay na nakadagan sa kanya.

Subalit nadadaig siya. At isa pa, halos paubos na ang lakas niya gawa ng pakikipaglaban sa mga ito kanina.

“Randy, tulungan mo ako!”

Narinig niyang sigaw ng asawa. Pero may kaliitan na ang boses. Tanda nang medyo malayo na ito sa bahay kubo nila.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

5 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 6”

  • 1 celene says:
    January 30, 2010 at 6:23 pm

    grabe..
    nakaka inis naman toh
    akala ko ba romantic pocketbooks toh
    bat nakakatakot toh?
    grabe ah
    nakakatakot tlga xa

    • 2 kara says:
      June 6, 2010 at 9:26 pm

      grabe. Walang kwenta. nakakatawa lang. Parang yung mga comedy sa tv. Next tinme gumawa ka ng misteryoso, kagaya ni pearl angeli. Chaka.

  • 3 saizel says:
    March 12, 2010 at 8:46 pm

    …..grabeh naman kakatakot….
    ….and i like the story…..

  • 4 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:50 pm

    puro thrill..wla na yung romance..im getting bored..diverted ang focus..

  • 5 cj says:
    September 1, 2010 at 9:56 pm

    im pocketbook lover,,and i didnt find that this story was interesting,,u need to learn basic things how to write novel or story,its not realistic,,the reader didnt know how to react,u have talent to write but still u still need more knowledge.in writing novel its not like kung anu ung nasa isp mo sulat mo agad its not like that u must think also if it was fit on the story..keep on writing but bfore u post it on this site think of it if its was really enuf to the readers.look wat happen my mga bad comments tuloy,,goodluck

Mag-iwan ng mensahe...