Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8
Ang apat na bangkay na humahabol ay nakasunod pa rin sa kanya. Ginaya ng mga ito ang ginawa niya. Nagpalundag-lundag din sa mga nitso.
“Ang mga hayup na ito a, hindi parang mga patay. Parang buhay at nasa hustong kaisipan,” galit na bulong ni Randy sa sarili habang nakalingon at nakita ang ginawa ng mga bangkay na humahabol sa kanya.
Higit niyang binilisan ang paglundag sa bawat nitso. Gusto niyang makalayo ng husto sa mga humahabol. Doble effort ang ginawa niya.
Sa bawat paglundag niya sa mga nitso ay palinga-linga pa rin siya sa pagbabakasakali na makakita ng kalsada para doon na siya tumakbo nang mapabilis.
Sige lundag. Kahit hingal na hingal na siya ay hindi siya tumitigil. Ang masidhing hangaring makalayo sa mga humahabol ang nasa kanyang isipan, at makita ang asawa.
Ngunit may humaging sa kanyang litong isipan. Tama ba itong direksiyon na tinatahak niya patungo kay Aleli kung saan ito naroroon?
Sumigaw siya.
“ALELI, NASAAN KA? SI RANDY ITO ANG ASAWA MO! SUMAGOT KA!”
Nilamon lang ng katahimikan ng gabi ang sigaw niyang iyon. Walang tugon siyang narinig.
Sigaw siya uli. Paulit-ulit.
“ALELI, SUMAGOT KA! SUMAGOT KA! ASANKA!”
Naglalabasan na ang mga ugat niya sa leeg sa kasisigaw ay wala pa ring sumasagot.
“Nasaan ka na Aleli? Ano na’ng nangyayari sa iyo?” Nangangambang sabi ng isipan niya.
Sa kabila ng mga pangamba niyang ‘yun, ang pangalawang pangamba sa kanyang likuran ay hindi nawawala sa kanyang isipan. Ang mga humahabol sa kanya.
Nilingon niya ito.
Gulat siya at nanlaki ang mga mata. Ang apat kanina na palundag-lundag sa mga nitso na humahabol sa kanya ay na-tripple na ngayon. Nadagdagan ang mga bangkay na humahabol.
“Sa’n galing ang mga ito?”
Lalo niya ngayong binilisan ang paglundag-lundag sa mga nitso upang higit na makalayo.
Mag-iwan ng mensahe...

2 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8”
August 4, 2010 at 9:30 am
AWWWWWWWWWWW..KATAKOT…..
August 9, 2010 at 12:39 pm
Ung author nito for sure abnormal!!! Walang saysay!